Labing-apat na kawal, isang opisyal napaslang sa sagupaan
SAMANTALANG ipinagdiriwang ng bansa ang National Heroes Day kahapon, may 14 na kawal at isang opisyal ng napaslang sa madugong sagupaan sa Patikul, Sulu kahapon ng pasado ika-apat ng hapon. Kabilang sa mga nasawi si 2Lt. Ernan P. Gusto, 33 taong gulang na taga-Isabela Province. Karamihan sa mga napaslang ay mula sa Lanao del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at maging sa Zamboanga City, Zamboanga del Norte at North Cotabato.
May sampung iba pa ang nasugatan sa sagupaan kahapon. Samantala, dalawa rin ang nasugatan sa sagupaang naganap sa Talipao, Sulu kahapon ng hapon.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, tuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga armado.
1 2 3 4