Pangulong Duterte, handang makipag-usap kay Pangulong Obama
IPALILIWANAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Barack Obama ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga sa kanilang napipintong pagkikita sa ASEAN Summit sa susunod na linggo sa Vientiane, Laos.
Hihingin umano niya kay Pangulong Obama na bigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang programa bago kausapin ang pangulo ng America hinggil sa laki ng mga napapaslang.
Umabot na sa halos 1,800 pinaghihinalaang drug dealers ang napapatay mula noong unang araw ng Hulyo. Binanggit ni US Deputy National Security Adviser Ben Rhodes sa Washingtin na balak ni Pangulong Obama na banggitin ang pagkabahala ng America sa nagaganap sa Pilipinas.
Ito ang kanyang sinabi sa isang press briefing sa Ninoy Aquino International Airport Terminal II sa kanyang pagsalubong sa may 120 manggagawang umuwi mula sa Saudi Arabia kanina.
1 2 3 4