Walang "state of emergency" sa Sulu
SA likod ng mga naganap sa Sulu na nakalipas na ilang araw, walang balak si Pangulong Duterte na magdeklara ng "state of emergency" sa doon. Sa isang press conference, sinabi niyang magpapatuloy ang operasyon laban sa mga armadong nakapaslang sa 15 mga kawal kamakalawa.
Tanging mga kawal at pulis lamang ang magpapatrolya at maghahanap sa mga armado. Nakausap na umano niya si Nur Misuari na may warrant of arrest mula sa hukuman sa naganap sa Zamboanga noong 2013.
Hindi umano niya ipadarakip si Misuari sapagkat kung madakip at yumao, wala nang makakausap sa hanay ng mga Tausug. Umaasa rin si G. Duterte na makakapag-usap sila.
Kung hindi umano labag sa batas, ibabalik niya ang barter trade sapagkat walang mga rebelde noon at lahat ay may hanapbuhay. Kung magkakaroon ng federal system, bahala na silang magpatakbo ng kanilang mga programa, dagdag pa ng pangulo.
1 2 3 4