Pagbaba ng presyo ng petrolyo, naka-apekto sa OFWs
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na apektado ang katayuan ng overseas Filipino workers sa Saudi Arabia sa pagbagsak ng presyo ng petrolyo sa international market. Sa kanyang talumpati sa pagsalubong sa 120 manggagawang umuwi mula sa Saudi Arabia.
Binalak na umano niyang magtungo sa Saudi Arabia upang tulungan ang mga manggagawa subalit minabuti niyang ipadala sina Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III at Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr.
Ginagawa naman ng pamahalaan ang magagawa kahit pa nakamtan na ang 7% kaunlaran sa growth rate. Naglaan si Pangulong Duterte ng tig-lilimang libong piso para sa mga umuwing manggagawa.
1 2 3 4