|
||||||||
|
||
Salapi, hindi bigas ang ilalaan para sa 4Ps.
SA pakiusap ni Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon, sumang-ayon ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip na bigas ang ibigay bilang benepisyo ng Conditional Cash Transper ay salapi na ang ibibigay sa may 4.6 milyong nakatala sa 4Ps.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa panukalang P3.350 trilyon national expenditure program sumangayon sina Budget Secretary Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Director General Ernesto Pernia na mas makabubuti sa 4Ps na makatanggap ng salapi sa halip na buwanang rice allocation.
Ani Senador Drilon, sa karaniwang mamamayan, ang salapi ay mas makabubuti sa kanyang pang-araw-araw na kabuhayan kaysa sa isang sakong bigas.
Tinataya ni Senador Drilon na ang budget para sa 20 kilong bigas sa bawat buwan o P32.50 sa bawat kilo ayon sa National Food Authority, ay magiging 600 pisong dagdag sa buwanang monthly stipend sa 4Ps beneficiaires. Kumpirmado ni Budget Secretary Diokno ang impormasyon.
Ang mga nakikinabang sa 4Ps ay makatatanggap ng P1,400 sa bawat buwan sa ilalim ng CCT. Napapanahon na umanong dagdagan ang cash subsidy sa taas ng inflation sa bansa, dagdag pa ni G. Drilon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |