|
||||||||
|
||
Relasyon ng Pilipinas at America, matatag pa rin
PANGULONG DUTERTE, DUMATING NA VIENTIANE. Bumaba na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Air Lines flight sa Vientiane, Laos upang dumalo sa ika-28 ASEAN Summit. Maraming mga pinuno ng iba't ibang bansa ang nakatakda niyang makausap. (Malacanang Photo)
PANGULONG DUTERTE, MAINIT NA SINALUBONG NG MGA FILIPINO SA LAOS. Masayang sinalubong ng mga Filipinong nasa Laos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdating mula sa Pilipinas. (Malacanang Photo)
MATATAG pa rin ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos sa likod ng hindi pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Barack Obama sa Vientiane, Laos.
Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni Pangulong Duterte na may magkakahalintuilad na layunin ang dalawang bansa sa pakikidigma laban sa droga, terorismo, krimen at kahirapan.
Pinasalamatan niya si Pangulong Obama sa pagsuporta sa Pilipinas sa G20, partikular sa pangakong pahahalagahan ang seguridad ng mga kaalyadong bansa.
Nagkasundo ang magkabilang panig na sa dami ng mga usaping nararapat talakayin, ang bilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas at America ay hindi muna itutuloy. Magaganap ito sa mga susunod na panahon.
Ipinaliwanag ni G. Duterte na ang mga lumabas na balita na pangangaralan siya ni Pangulong Obama hinggil sa extrajudicial killings ang naging dahilan ng kanyang maaanghang na pahayag na ikinabahala ng marami. Ikinalulungkot umano ni G. Duterte ang kanyang naging pahayag na naging dahilan ng kontrobersya.
Matagal na umano ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Umaasa si G. Duterte na maaayos na rin ang mga problema mula sa mga prayoridad ng dalawang bansa.
Bagaman, idinagdag ni Pangulong Duterte na upang mapangalagaan ang seguridad at mapanatili ang karapatan ng mga mamamayan, kailangang labanan ang droga, terorismo, krimen at kahirapan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |