Seguridad sa Metro Manila, prayoridad
SINABI ni Chief Supt. Oscar D. Albayalde, director ng National Capital Region Police Office na nagbabantay ang mga pulis sa Metro Manila lalo pa't saklaw ng full alert status.
Sa isang pahayag, sinabi ni General Albayalde na kinokondena nila ang pagpapasabog sa Davao City noong Biyernes tulad rin ng iba pang gawa ng mga terorista. Inatasan na niya ang limang district directors ng Metro Manila na magpadala ng mga tauhan sa mga shopping mall, mga paliparan, daungan at iba pang pinagtitipunan ng mga mamamayan tulad ng LRT at MRT. Tuloy ang checkpoints sa buong rehiyon.
Kumikilos na rin ang kanilang intelligence operatives upang magmamnan sa iba't ibang bahagi ng rehiyon. Aalamin ang detalyes ng lahat ng impormasyong nakararating sa kanila, dagdag pa ni General Albayalde.
Marapat lamang manatiling kalmado ang mga mamamayan subalit kailangang maging mapagbantay at magsuplong sa pulisya sa pinakamadaling panahon.
1 2 3 4 5