|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, dadalaw sa Japan
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na dumalaw sa Japan.
Sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng ika-28 ASEAN Summit sa Vientiane, sinabi ni G. Duterte na matagal nang kaibigan ang Japan na nagpapahalaga sa paggalang sa isa't isa, pagtutulungan at pagkilala sa itinatadhana ng batas. Pinasalamat niya ang Japan sa pagtulong sa bansa, partikular sa Mindanao.
Binanggit din ni Pangulong Duterte ang papel ng Japan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Region.
Sa panig ni G. Abe, tuloy ang pakikiisa ng kanyang bansa sa pagpapunlad sa Pilipinas at pagusulong ng defense cooperation at paglalaan ng mga kailangan sa mga pagawaing-bayan. Inulit ni G. Abe ang kanyang pangakong pagsusulong ng malawakang kapayapaan at katatagan, makikipagtulungan din sa counter-terrorism measures.
Nagkasundo ang magkabilang panig sa pangangailangan ng pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas at mga proyektong magpapalakas sa maritime capabilities ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |