Lider ng Abu Sayyaf, napatay ng mga kawal
ISANG kasapi ng Abu Sayyaf Group ang napaslang kahapon matapos manlaban sa mga kawal sa Tawi-Tawi.
Ang napaslang ay nakilala sa pangalang Ustab Anii na dinarakip ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 ng Second Marine Brigade at Panglima Sugala Police Station. May mga usaping hinaharap ang miyembro ng Abu Sayyaf tulad ng kidnapping at serious illegal detention. Naganap ang insidente sa Barangay Magsagaw, Panglima Sugala, Tawi-tawi. Nabawi mula kay Anji ang isang kalibre .45 at isang granada. Nanglaban umano ang Abu Sayyaf kaya't napaslang.
Ayon kay Col. Custodio Parcon, ang pagtatangka ng Abu Sayyaf na makapasok sa Tawi-Tawi ay mangangahulugan ng pagkakadakip o pagkakapaslang.
Sangkot umano si Ustab Anji sa Sipadan hostage-taking noong 2000 at may pabuyang P 350,000. May kinalaman din siya sa pagdukot sa mga Indonesian at Malaysian nationals.
1 2 3 4