|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, umaasa sa Tsina upang umunlad ang bansa
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Xinhua News Agency na ang bansang Tsina ang nalalabing pag-asa ng Pilipinas upang umunlad.
Sa isang panayam sa Xinhua, sinabi ni G. Duterte na ang kanyang pagdalaw sa Tsina mula ngayong Martes ay naglalayong maibalik ang tiwala ng magkabilang-panig kasunod na tensyong namagitan sa isyu ng teritoryo ng dalawang bansa sa South China Sea.
Ani G. Duterte, ang Tsina ang pagmumulan ng kailangang kapital para sa mga pagawaing-bayan at umaasang ang may dalawang milyong ethnic Chinese minority sa Pilipinas ang magiging tulay upang maglagak ng kapital ang Tsina.
Inamin ni G. Duterte na ang kanyang lolo ay isang Tsino at nagsabing ang Tsina lamang ang makakatulong sa Pilipinas.
Sinabi pa niyang 'di tulad ng America at iba pang mga bansa sa Kanluran, tanging Tsina lamang ang nag-alok ng suporta sa kanyang tatlong buwang pamumuno ng walang anumang pamumuna.
Magbabalik ang magandang relasyon sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina sa pagdalaw ni Pangulong Duterte mula ngayon. Ito ang sinabi ng Xinhua News Agency. Magugunitang lumamig ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa sigalot sa South China Sea.
Sa pagdalaw na ito, kinikilalang isang hakbang ito na magtatapos sa mas mainit na relasyon at pagkakaibigan. Nais ni G. Duterte na bawasan ang mga pakikipagtalastasan sa Estados Unidos upang higit na malapit sa Tsina.
Hindi pag-uusapan ang desisyon ng international arbitration panel sa mga pagkikita nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi Jinping at iba pang opisyal ng Tsina, dagdag pa ng Xinhua.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |