|
||||||||
|
||
Diplomasya mahalaga sa kasalukuyang panahon
DIPLOMASYA AT KABUTIHANG ASAL, KAILANGAN. Ito ang sinabi ni dating Senador at Ambassador Leticia Ramos Shahani sa idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido" kaninang umaga. Kasama niya sa lupon si Ateneo de Manila University Prof. Lucio M. Pitlo III. Si Senador Shahani ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si dating Senador Leticia Ramos Shahani na mahalaga ang diplomasya sa kasalukuyang panahon. Walang puwang ang mga maaanghang na pananalita sapagkat hindi ito makatutulong sa pakikipagkaibigan sa iba't ibang bansa.
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Senador Shahani na iba ang pagpapahalagala sa diplomasya sapagkat naiiwasan ang mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pag-uusap.
Ipinaliwanag naman ni Ateneo Professor Lucio M. Pitlo III na napipintong makinabang ang Pilipinas sa pakikipagkaibigan nito sa Tsina. Para sa propesor, magandang pagkakataon ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina sapagkat nagbukas ito ng pagkakataong uminit na muli ang pagkakaibigan ng mga Filipino at mga Tsino sapagkat isang malaking pamilihan ang Tsina.
Para kay Senador Shahani, angkop ang pangkakataon sa pakikipagkalakal sa Tsina sapagkat isang malaking bansa na may higit sa isang bilyon at tatlong-daang milyong mga mamamayan.
Idinagdag pa ni G. Pitlo na sa pagsasama ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations at Tsina, halos dalawang bilyon na ang mamimili ng mga produktong mula sa rehiyon.
Bagaman, may payo si Senador Shahani kay Pangulong Duterte, ang pag-iwas sa mga maaanghang na pahayag sapagkat may posibilidad na magkaroon ng kakaibang epekto ang mga pahayag na ito, tulad noong naganap sa Tsina.
Magugunitang sinabi niyang tinatapos na niya ang mga pakikipagkalakal sa Estados Unidos at ang ugnayan sa mga pagitan ng mga sandatahang lakas ng Pilipino at Americano. Nagkataon nga lamang na binawi niya ito sa kanyang pagdating sa Davao City.
Nangangamba si dating Senador Shahani na maliban sa salaping padala ng mga Filipino sa Pilipinas na nagmumula sa America, malaki rin ang kinikita ng bansa mula sa business process outsourcing.
Karamihan ng mga pinaglilingkuran ng mga business process outsourcing sa Pilipinas ay mga kumpanyang Americano, dagdag pa ng dating mambabatas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |