|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, pinayuhang maging maayos sa pananalita at pagkilos
KABUTIHANG-ASAL ang kailangan sa pandaigdigang larangan. Ito ang binanggit ni dating Senador at Ambassador Leticia Ramos Shahani bilang unsolicited advice para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalaw kay Emperador Akihito sa Japan. Ang bansang ito ang kinikilala sa pagpapahalaga sa pormalidad at kabutihang-asal.
Ito ang kanyang payo sa pangulo matapos lumabas ang ilang pahayag ng mga opisyal na Hapones sa kakaibang ugali ng pangulo ng bansa. Ayon sa dating senador, sa pakikipag-usap sa emperador ng Japan ay napaka-pormal na okasyon at kailangan mo pang bilangin ang mga baitang sa hagdan.
Ikinabahala ng mga Hapones ang sinasabing ginawa ni G. Duterte na may chewing gum samantalang kausap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Kahit ang pananamit ng pangulo ng Pilipinas ay binanggit din ng mga Hapones.
Mahalaga ang katagang protocol sa diplomasya. Inaasahan ng mga Hapon na huwag naman sanang magsubo ng chewing gum si President Duterte. Huwag din sanang mag jeans.
Kahit ang distansya ng isang panauhin at ng emperador ay sumusunod sa protocol.
Nasa ikalawang araw na siya ng tatlong araw na pagdalaw sa Japan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |