Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, lumisan na patungong Lima, Peru para sa APEC

(GMT+08:00) 2016-11-17 16:50:43       CRI

Pangulong Duterte, lumisan na patungong Lima, Peru para sa APEC

UMALIS na kanina si Pangulong Rodrigo Duterte mag-aalas dos ng hapon at mga kasama patungong Lima, Peru para sa ika-24 na pagpupulong ng Economic Leaders ng Asia-Pacific Economic Cooperation. Makakasama niya ang mga pinuno ng 20 pang mga bansa na kabilang sa samahan.

Sa kanyang talumpati sa Davao International Airport, sinabi ni G. Duterte na isang magandang oportunidad na makasama ng Pilipinas ang mga kabalikat sa rehiyon upang madali ang pag-unlad ng ekonomya sa Asia-Pacific at mabatid ang mga paraan upang makamtan ang pinag-isang layunin.

Angkop umano ang temang "Quality Growth and Human Capital Development: A Foundation for Sustainable Growth in the Asia-Pacific."

Isusulong umano niya ang kanyang 10-point Socio-Economic Program tulad ng pagpapaluwag na mga proseso sa pagkakalakal sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad ng pamahalaan, paggasta sa mga pagawaing-bayan, pagtutuon ng pansin sa kaunlaran sa kanayunan at dagdag na investments sa human capital.

Maliwanag ang kanyang mensahe sa APEC, bukas ang Pilipinas sa pakikipagkalakal at gagawin ang lahat upang magtagumpay ang small and medium enterprises. Ginagawa na ng pamahalaan ang lahat, dagdag pa niya.

Handa na umanong punailanlang ang Pilipinas sa daigdig ng kalakal. Idinagdag pa niyang ito ang kanyang kauna-unahang paglalakbay sa Timog America na halos may kahalintulad ng kasaysayan at daang-taong pakikipagkaibigan.

Umaasa rin siyang makapaghahanda ang mga mangangalakal na Filipino sa pakikipag-ugnayan sa mga nagmumula sa Timog America.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>