|
||||||||
|
||
Kerwin Espinosa, makakasama ng mga kilalang tao sa piitan
MAKAKASAMA ni Kerwin Espinosa, ang sinasabing utak ng ilegal na droga sa Silangang Kabisayaan sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada at iba pang tanyag na bilanggo sa loob ng Philippine National Police Custodial Center.
Ayon kay Sr. Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, inihahanda na ng pambansang pulisya ang magiging piitan ni Espinosa na nakatakdang dumating bukas ng madaling araw mula sa Gitnang Silangan.
Makakasama rin niya sa piitan si Supt. Hansel Marantan at isyam na iba pang pulis na nahaharap sa pagpatay sa 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero ng 2013.
Ihaharap sa media ni PNP Director General Ronald dela Rosa si Kerwin Espinosa sa oras na dumating sa Campo Crame bukas ng madaling araw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |