Anti-Money Laundering Council, makikipagtulungan na sa Department of Justice
TUMUGON ang Anti-Money Laundering Council sa puna ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatangging makipagtulungan upang mabatid ang galaw ng salapi sa loob ng New Bilibid Prison.
Magugunitang sa kanyang talumpati sa ika-80 anibersaryo ng National Bureau of Investigation, sinabi ni G. Duterte na basura ang AMLC sa pagtanggi nitong makipagtulungan.
Ang konseho ang nararapat magpatupad ng Republic Act 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001. Pananatiliin nila ang integridad at confidentiality ng bank accounts upang matiyak na ang Pilipinas ay 'di magagamit na padaluyan ng salaping mula sa ilegal na gawain.
Inakusahan ni G. Duterte ang konseho ng pagpapahirap sa Department of Justice sa pagsisiyasat sa mga transaksyon ng mga sidikato ng droga sa loob ng piitan.
1 2 3 4 5 6