|
||||||||
|
||
Pamahalaan, nanawagan sa mga Filipinong ilegal na naninirahan sa America na umuwi na
INULIT ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang panawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga undocumented Filiipino sa America na umuwi na muna sa bansa sa halip na makasama pa sa malawakang pagpapatapon ng illegal immigrants sa pag-upo ni Pangulong Donald Trump sa Enero.
Bagaman, sinabi rin ni G. Abella na naniniwala si Secretary Bello na magiging mumunti ang bilang ng mga ilegal sapagkat marami sa mga Filipino sa America ay legal ang katayuan at maayos ang trabaho.
Handa ring tumulong ang pamahalaan sa mga uuwing manggagawa sapagkat mayroong angkop na mekanismo ng pagtulong sa mga apektado. Mayroong tinaguriang business at employment opportunities sa Pilipinas.
Kailangang palawakin pa ang non-voice component ng business process outsourcing kung ipatutupad ni G. Trump ang kanyang programang ibabalik ang trabaho sa Estados Unidos.
Ayon umano kay National Economic and Development Authority Deputy Director General Rosemarie Edillon, tanging apektado ang English language market kaya't malaki ang panalo ng mga Filipino sa non-voice tulad ng creative segment.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |