|
||||||||
|
||
Show cause order inilabas laban kay Senador de Lima
NAGLABAS ng show cause order ang House justice committee laban kay Senador Leila de Lima sa pagpapayo sa kanyang dating tsuper at bodyguard na si Ronnie Dayan na huwag humarap sa pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan.
Inutusan ng lupon si Senador de Lima na magpaliwanag kung bakit hindi siya nararapat humarap sa kasong contempt sa paghadlang sa pagsisiyasat.
Ang kahilingan ay nagmula kay ABS Party List Repressentative Eugene Michael de Vera.
Ayon sa mambabatas, sapagkat binanggit ni G. Ronnie Dayan na pinagbawalan siya ni Senador de Lima ba humarap sa pagsisiyasat, kailangang marinig ang panig ng magbabatas kaya't kailangang maglabas ng show cause order mula sa komite upang marinig ang mga dahilan at nang hindi masasuhan ng contempt.
Binanggit ni G. Dayan na si Senador de Lima ang nagpayo sa kanyang huwag dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice. Sa binasang pahayag, sinabi ni G. Dayan na nais niyang sumipot sa Mababang Kapulungan matapos maglabas ng sub poena ang Kongreso subalit pinayuhan siya ni Senador de Lima na huwag na munang magpakita.
Inutusan umano niya ang kanyang anak na babaeng magpadala ng text message kay Senador de Lima sa kanyang balak na tumestigo. Idinagdag niyang humingi siya ng pabor sa kanyang anak na babae sapagkat hindi na nakipagbalitaan si Senador de Lima sa kanya.
Sumagot umano ang mambabatas at nagsabing huwag na muna siyang dumalo at magtago na lamang muna upang makaiwas sa kaguluhang magaganap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |