Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglalakbay ni Pangulong Duterte sa Lima, Peru, tagumpay

(GMT+08:00) 2016-11-25 15:59:44       CRI

Asian Development Bank, nakikipagtulungan sa AIIB

MALAKI ANG PANGANGAILANGAN NG REHIYON SA PAGAWAING-BAYAN. Sinabi ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank na ito ang dahilan kaya't nagtutulungan ang ADB at ang Asian Infrastructure and Investment Bank, tulad ng nagaganap sa Pakistan. Mahalaga sa ADB ang co-financing, dagdag pa ni G. Nakao. (ADB Photos)

MGA KASAPI NG FOCAP, NAGPAKUHA NG LARAWAN. Isang souvenir photo ang natanggap ng mga kasapi ng FOCAP mula sa Asian Development Bank matapos ang isang makabuluhang talakayan kay G. Takehiko Nakao, second-term president ng bangko. (ADB Photo)

MASAYANG ibinalita ni Asian Development Bank President Takehiko Nakao na maganda ang pagtutulungan ng kanyang bangko at ng Asian Infrastructure and Investment Bank na pinamumunuan ng Tsina sa pamamagitan ng sabayang pagtustos sa isang malaking proyekto sa Pakistan.

Sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina, sinabi ni G. Nakao na napakalaki ng pangangailangan ng rehiyon sa mga pagawaing-bayan kaya't magandang makasabay ang AIIB sa pagtugon sa mga proyektong matutustusan na magdudulot ng kaunlaran.

Kanina rin ang simula ng kanyang unang araw sa kanyang termino bilang pangulo matapos mahalal sa ikalawang pagkakataon bilang pinuno ng pinakamalaking pangrehiyong bangko.

Kung noong mga nakalipas na dekada, hindi tinitingnan ng daigdig ang kahalagahan ng Asia, nakikita na ang kaunlarang nagaganap sa rehiyon sa pag-unlad ng mga ekonomiya ng mga bansa. Inihalimbawa niya ang sigla ng mga pamilihan sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Ipinaliwanag din niyang malayo ang pagkakaiba ng ASEAN sa European Union na naharap sa pag-alis ng United Kingdom. Malaki kasi ang papel ng mga nasa European Parliament sa Brussels samantalang ang ASEAN ay nakasalalay sa consensus at pagkakaisa sa mga layunin tulad ng kahalagahan ng pagtutulungan samantalang pinanatili ang mga ipinatutupad na batas.

Mahalaga pa rin ang papel ng bangko sa rehiyon sa nakalipas na 50 taon mula ng itatag ito sapagkat nananatili ang kahirapan sa iba't ibang lipunang nakasama na sa Asian Development Bank.

Samantala, binanggit niyang pasado ang mga pautang ng Asian Development Bank sa Pilipinas ngayong taontulad ng dagdag na salapi para sa Social Protection na ipinasa noong Pebrero na nagkakahalaga ng US$ 400 milyon, Angat Water Transmission Improvement Project na ipinasa noong Marso na nagkakahalaga ng US$123.3 milyon at ang Water District Development Sector project na nakapasa noong Abril na nagkakahalaga ng US$ 60 milyon.

Hinihintay pa rin ang pagpasa ng Local Government Finance and Fiscal Decentralization Reform Program, SubProgram 2 na nagkakahalaga ng US$ 250 milyon.

 


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>