Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglalakbay ni Pangulong Duterte sa Lima, Peru, tagumpay

(GMT+08:00) 2016-11-25 15:59:44       CRI

Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina, nagbubunga na

MATAPOS ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong nakalipas na buwan, nadarama na ang magandang ibubunga sa larangan ng kalakal.

Sa idinaos na roadshow ng Bank of China sa Maynila, sinabi ni G. Jin Yuan, ang Economic and Commercial Counsellor ng Tsina sa Maynila, na matapos ang paglagda sa iba't ibang dokumento hinggil sa pagtutulungan at Memorandum of Understanding, naibalik na ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Bilang pagsunod sa matagumpay na pagdalaw, nagkaroon ng mga opisyal ng magkabilang-panig na dumadalaw at nagbabalitaan upang mabigyang buhay ang mga dokumentong nilagdaan at maging mga proyektong kapakipakinabang sa mga Tsino at Filipino.

Limang delegasyon ang dumating sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo sa pagdalaw ng delegasyon mula sa Ministry of Commerce, kasama ang mga nagmula sa financial institutions at nakausap na ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry, Department of Finance, National Economic and Development Authority, Department of Transportation at Department of Public Works and Highways.

Pakay ng mga pagdalaw na ito ang mabatid ang mga paraan para sa pagpoproseso ng mga proyektong tutustusan ng Tsina at makikinabang sa Chinese grants.

Magpupulong na rin ang mga kabilang sa Joint Economic and Trade Committee sa susunod na taon.

May mga delegasyon na rin mula sa National Development and Reform Commission, Ministry of Transportation, Ministry of Agriculture at China Chamber of Commerce of Foodstuffs and Native Produce.

Lumagda sila ng mga kontratang mag-aangkat ng 100 tonelada ng saging at pinya na nagkakahalaga ng US$ 100 milyon sa kanilang pagdalaw na tumagal ng limang araw sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Ginoong Jin na mas maraming mga kumpanyang Tsino ang dadalaw at maglalagak ng kapital sa Pilipinas kasabay ng mas maraming Tsinong turistang magbabakasyon at gagastos ng salapi samantalang mas maraming produkto ang makakapasok sa mga pamilihan ng Tsina.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>