|
||||||||
|
||
20161128Meloreport.mp3
|
SINABI ni House Speaker Pantaleon Alvarez na handa siyang ipag-utos ang pagdakip kay Senador Leila de Lima kung hindi siya tutugon sa show cause order na ilalabas ng kapulungan laban sa kanya.
Sa isang press conrerence, sinabi ni Speaker Alvarez na posibleng sumang-ayon siya sa paglalabas ng arrest warrant laban sa senadora kung irerekomenda ng House Justice Committee.
Sa tanong kung hindi ito lalabag sa "inter-parliamentary courtesy," sinabi ni Speaker Alvarez na ang sinasabing ginawa ni Senador de Lima ay naganap noong hindi pa siya mambabatas. Magugunitang isa siyang Secretary of Justice bago tumakbo sa pagka-senador.
Magugunitang isinailalim sa contempt ang tsuper at bodyguard ni Senador de Lima noon na nakilalang si Ronnie Dayan. Nadakip si Dayan kamakailan at humarap na sa Mababang Kapulungan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |