|
||||||||
|
||
Senador de Lima, handang humarap sa darakip subalit hindi sa "kangaroo" court
HANDANG humarap si Senador de Lima sa anumang usapin subalit hindi sa isang "kangaroo" court tulad ng ginagawa ng mga kasapi ng House of Representatives.
Inulit ni Senador de Lima na 'di niya kinikilala ang pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan sa diumano'y pagkakasangkot niya sa illegal drugs sapagkat wala itong anumang layunin kungdi ang hiyain siya.
Hihintayin na lamang niya ang magiging desisyon ng Mababang Kapulungan kung ipadarakip siya, kung reklamo sa ethics committee, o usapin sa hukuman o sa Korte Suprema.
Nakatitiyak umano siyang hindi haharap sa Mababang Kapulungan. Hindi umano siyang humahadlang sa imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |