|
||||||||
|
||
Bomba, natagpuan malapit sa Embahada ng America
NATAGPUAN ng mga alagad ng batas ang isang improvised explosive device malapit sa Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila kaninang umaga.
Ayon kay Sr. Supt. Joel Coronel, ang direktor ng Manila Police District, kabilang sa natagpuang bahagi ng improvised explosive device ang isang 81-mm mortar, isang 9-volt battery, isang cellular phone, isang switch device at isang blasting cap.
Ayon sa pagsisiyasat, kahalintulad ito ng bombang pinasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre na dahilan upang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng "state of lawless violence."
Ayon kay PNP Director General Ronald dela Rosa, maaaring kagagawan ito ng Maute Group.
Natagpuan ng isang naglilinis ng lansangan ng Department of Public Works and Highways ang basura mga pasado ikapito ng umaga.
Isang bahagi ng Roxas Blvd. mula sa US Embassy hanggang sa T. M. Kalaw ang isinara ng Manila Police District bomb squad. Pinasabog ang naturang bomba ng mga dalubhasa mula sa pulisya.
Nakita ng naglilinis ng lansangang nakilala sa pangalang Ely Garcia ang isang cellular phone na may mga kableng nakatali sa isang itim na pabilog na bagay,
Ang telepono at ang bilog na bagay ay nababalog ng electrical at packing tapes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |