|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, tuloy sa balak na magpadala ng mga kawal sa kanayunan
ITUTULOY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga kawal sa kanayunan. Niliwanag niyang wala siyang layuning hadlangan ang tigil putukan sa mga komunista.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tagapagbalita sa Davao City, sinabi niyang ang mga kawal at mga rebelde ay 'di naman napigilan ng kanilang unitlateral ceasefires ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines at ng National Democratic Front na kumilos sa mga lalawigan.
Nararapat lamang kilalaning normal ang mga pagkilos ng mga kawal sa kanayunan sapagkat obligasyon nilang panatiliing payapa ang bansa.
Isang tagapagsalita ng New People's Army sa hilagang silangang Mindanao ang nagsabing ang paglalakalat ng mga kawal ay isang maliwanag na counter-insurgency move na sisira sa pagtitiwala ng bawat isang sangkot sa tigil-putukan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |