Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa iba't ibang bansa, mahalaga

(GMT+08:00) 2016-12-08 17:53:14       CRI

SINABI ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang pagsigla ng relasyon ng Pilipinas at Tsina ay isa sa paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga ng Pilipinas sa payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan hinggil sa South China Sea.

MAGANDA NA ANG RELASYON NG TSINA AT PILIPINAS.  Sinabi nin Defense Secretary Delfin Lorenzana na bumalik na sa normal ang relasyon ng Pilipinas at Tsina.  Sa kanyang talumpati sa isang public forum, sinabi ng kalihim na malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagpapalitan ng mga mag-aaral na opisyal ang dalawang bansa sa darating na Enero 2017.  (Melo M. Acuna)

Sa kanyang talumpati sa "The Pilipinas Conference" na itinaguyod ng Albert Del Rosario Institute kaninang umaga, sinabi ni Lorenzana na samantalang nagwagi ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong nakalipas na ika-12 ng Hulyo, nagsisimulang masaksihan ng bansa ang gumagandang relasyon nito sa Tsina at iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Russia.

Kasabay ito ng pagpapanatili ng magandang relasyon sa Estados Unidos. Idinagdag pa ni G. Lorenzana na ang pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN chair sa darating na taon sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng samahan, kinikilala ng pamahalaan ang security environment hinggil sa South China Sea at maging sa Asia-Pacific region upang malaman kung paano susulong ang magandang relasyon.

Naniniwala at nagpapahalaga ang Pilipinas sa international law na siyang kumikilala sa mga karapatan ng malalaki at maliliit na estado at mga malalaki at maliliit na poder ng mga bansa.

Nananatili ang Pilipinas na nagpapahalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea upang matiyak ang malayang paglalayag, paglipad ng mga eroplano sa pook at kalakalan kasabay ng patuloy na kaunlaran sa larangan ng ekonomiya.

Matapos ang paglalakbay ni Pangulong Duterte sa Tsina ay nakabalik ang mga mangingisdang Filipino sa Scarborough Shoal na kinilala ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pangisdaan ng iba't ibang bansa sa rehiyon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>