|
||||||||
|
||
Senador Drilon, nanawagan kay Pangulong Duterte
NAKIUSAP si Senador Franklin M. Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ang due process hinggil sa kasong pagpatay n ipinarating laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr.
Sa panayam na naganap kanina, sinabi ni G. Drilon na magkakaroon lamang ng pagkakataon si Pangulong Duterte na magsalita sa oras na patatawarin niya ang mga pulis.
Dating tagausig si Pangulong Dutgerte kaya't mahalagang kilalan ang proseso at hayaan ang mga piskal na suriin ang mga ebidensyang ihaharap ng National Bureau of Investigation.
Ang anumang desisyon ay maaaring i-aplea sa Secretary of Justice at kung hindi masaya si G. Duterte sa magiging desisyon, maaari niyang bigyan ng pardon o kapatawaran ang mga akusado.
Ipinaliwanag ni G. Drilon na kahit si Justice Secretary Aguirre ay nagsabing pagpatay ang naganap. Hindi umano niya malaman ang gagawin sapagkat kakaiba ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pahayag.
Sinabi naman ng Malacanang na ang pahayag ni G. Duterte na hindi niya papayagang makulong ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa punongbayan ay hindi nangangahulugang makikialam siya sa proseso.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |