|
||||||||
|
||
Tanggap ng Malacanang ang mga puna
ANG mga puna at iba pang pahayag ay tanggap ni Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon.
Ayon sa isang pahayag na inilabas ng Malacanang, iginagalang ni Pangulong Duterte ang karapatan ng mga mamamayang magpahayag ng kanilang hinaing at pagkontra sa mga ginagawa ng pamahalaan.
Bahagi ito ng pahayag na nagpapaliwanag sa suporta ni Pangulong Duterte sa mga pulis na sinasabing pumatay sa dalawang nakapiit sa Leyte noong isang buwan.
Nabanggit na ni G. Duterte noong kampanya pa lamang na bukas siya sa annumang puna sapagkat bahagi ito ng pamamahala at demokrasya.
Ayon sa Presidential Communications Office, hindi papayagan ni G. Duterte ang anumang labag sa batas na pagtatangkang mangagaw ng poder mula sa mga halal ng bayang opisyal.
Naunang binanggit ni Pangulong Duterte na mga dilawan na kinabibilangan ng mga nasa Partido Liberal ang nagtatangkang magpatalsik sa kanya sa puwesto dahil 'di matanggap ang pagkatalo noong nakalipas na halalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |