Malacanang nagsabing nanglilito lamang si Matobato
PANGGIGIPIT at pang-aabala lamang sa ginagawa ni Pangulong Duterte ang usaping ipinarating ni Edgar Matobato sa Ombudsman.
Sa isang pahayag ng Malacanang, sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Anna Marie Rafael-Banaag na hindi mapapatalsik ng Ombudsman ang pangulo ng bansa sapagkat magagawa lamang ito sa pamamagitan ng impeachment.
Hindi madidisiplina o maaalis ang impeachable officials na kinabibilangan ng Pangulo na mayroong immunity.
Sinabi pa ni Gng. Banaag na napawalang-saysay na ang reklamong nakarating sa Ombudsman hinggil sa Davao Death Squad.
1 2 3 4