|
||||||||
|
||
Walang itatago sa pagdaraos ng Miss Universe sa Pilipinas
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nangangasiwa sa Miss Universe Beauty Pageant na huwag magsasara ng mga lansangan at magtatago ng kahirapan sa bansa.
Sinabi ni Undersecretary Kat de Castro at Police Supt. Felipe Maragon sa Malacanang na walang balak si Pangulong Duterte na ma-abala ang mga mamamayan sa kanilang gawain.
Walang isasarang lansangan at walang pagkukubli ng mahihirap.
Hanggang sa paligid na lamang ng Mall of Asia ang papasyalan ng mga kalahok sa patimpalak. Pinagbalakang gawin ang patimpalak sa Philippine Arena subalit daraan ang mga tao sa EDSA at sa North Luzon Expressway kaya sa Mall of Asia na lamang gagawin ang pagtitipon.
Isang kick-off ceremony ang gagawin bukas sa Conrad Hotel. Dadalaw din ang mga kandidata sa Siargao, Cebu at Vigan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |