|
||||||||
|
||
Pagsunod sa batas, inaasahan sa mga pulis at iba pang operatiba
PAGGALANG SA BATAS, MAHALAGA. Binigyang-diin ni Atty. Manny Buenaventura na kinatawan ng pangulo ng Integrated Bar of the Philippines nararapat kilalanin ang "rule of law" upang magtagumpay ang programa ng pamahalaan laban sa droga. (Melo M. Acuna)
KAILANGANG kilalanin ng mga alagad ng batas at iba pang kawani ng pamahalaan ang kahalagahan ng "rule of law." Ito ang mensahe ni Atty. Manny Buenaventura, ang Presidential Assistant on Legislative Affairs ni Pangulong Rosario Setias-Reyes ng Integrated Bar of the Philippines.
Upang magtagumpay ang anumang programa ng pamahalaan, kailangang magkaroon ng pagsunod sa batas sapagkat hindi naman kailangang gamitan ng dahas ang mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen.
Niliwanag din niyang ang pagbasa ng Miranda Doctrine ay kailangan sapagkat ang anumang maaring sabihin ng isang akusado ng walang abogado ay maaaring gamitin laban sa kanyang pagkatao.
Kailangan din ng mga abogado ng mga akusado sapagkat ito ang itinatadhana ng batas, ang pagkakaroon ng tulong ng mga tagapagtanggol kaya't hindi marapat ang pagbabanta ni Pangulong Duterte sa mga abogadong kinuha ng mga akusadong drug lord.
Bagaman, niliwanag din ni Atty. Buenaventura na hindi kinukunsite ng Integrated Bar of the Philippines ang mga tiwaling abogado kasabay ng panawagan sa madla na lumapit sa kanilang tanggapan kung may nababatid na mga tagapagtanggol na sangkot sa anumang katiwalian.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |