|
||||||||
|
||
Pagsasanay ng pulis, mahalaga
MGA PULIS KAILANGANG MASANAY NG MAAYOS. Naniniwala naman si Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology sa Professional Regulatory Commission na kailangan ang ibayong pagsasanay ng mga pulis lalo na't bago ang OPLAN TOKHANG. Kailangang mapangalagaan din ang pagpili sa kung sino ang kwalipikadong maging pulis. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology ng Professional Regulatory Commission na kailangang magkaroon ng ibayong pagsasanay ang mga taong pumapasok sa serbisyo sapagkat nakasalalay sa kanilang balikat ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad.
Hindi umano maayos ang balak ng Philippine National Police na sila na ang mamili, magsanay at sumukat ng performance ng mga tauhan nila. Naniniwala si Atty. Gabao na maayos ang set-up na mayroong Philippine Public Safety College na nagsasagawa ng training ng mga nagiging pulis, bumbero at tauhan ng jail management and penology.
Sa isang pagdinig sa Senado, sinabi ni Atty. Gabao na nagpaliwanag ang PPSC na wala silang magagawang anuman sa mga sasanayin sapagkat ang Philippine National Police ang namimili sa mga tatanggaping aplikante. Mahalaga rin ang gagawing neuro-psychiatric evaluation sa mga aplikante sapagkat mapanganib ang mga sandatang kanilang hahawakan samantalang naglilingkod sa pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |