10,000 manggagawa, nawalan ng trabaho sa pagkasunog ng pabrika
SINABI ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla, Jr. na umabot sa P 15 bilyon ang pinsalang idinulot ng sunog sa House Technology Industry sa loob ng Cavite Export Processing Zone.
Aabot din sa 10,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho. Sasagutin ng kumpanya ang lahat ng gastos. Ang HTI ang pinakamalaking employer na may pasilidad na mas malaki pa sa Araneta Coliseum.
Dalawang kawani ang nasa malubhang kalagayan samantalang higit sa 120 katao ang nasa pagamutan pa sa kanilang mga sugat na natamo. Hinahanap pa ang tatlo katao samantalang may anim na iba pang nawawala.
1 2 3 4 5 6 7 8 9