|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kumpanyang Filipino, magtatatag ng mga sangay sa Tsina at Indonesia, Thailand at Vietnam

PAMILIHANG TSINO AT INDONES, MALAKING BAGAY SA KALAKAL. Sinabi ni Carlos Hinolan, chief executive officer at nagtatag ng AudioWAV Media na sa pagpasok ng kanyang kumpanya sa sampung lungsod ng Tsina at sa Indonesia, higit na sa 1.5 bilyon mamamayan ang maaaring marating ng kanyang multi-sensory branding. Umaasa rin siyang maraming makikipagkalakal sa kanila sa dalawang bansa. (Melo M. Acuna)
SISIMULAN sa madaling panahon ni Carlos Hinolan, pangulo at chief executive officer ng AudioWAV Media, Inc. ang pagtatatag ng mga sangay sa sampung lungsod ng Tsina at maging sa Indonesia, Thailand at Vietnam.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Hinolan na ang Audio WAV ay isang technology company na may mga punong tanggapan sa Pilipinas, na magiging agresibo ang kanilang expansion upang makarating sa pandaigdigang pamilihan. Isang "multi-sensory branding," nakapasok na sa Singapore at United States of America ang kumpanya.
Magmumula ang kapital sa Asia sa initial public offering sa darating na Marso at inaasahang makalilikom ng P 2.6 bilyon. Sa initial listing, mag-aalok ang WAV ng 900 milyong common shares na mula sa P1.77 hanggang P 2.96 sa bawat share.
Sinabi rin ni G. Hinolan na ang pagpapalawak sa Asia ay magsisimula sa unang bahagi ng taong 2017 sa Tsina at Indonesia samantalang isusunod ang Thailand at Vietnam sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.
Pinili nila ang Tsina at Indonesia sapagkat sa dalawang bansa pa lamang ay mayroon nang 1.5 bilyong consumer at libu-libong potential business partners.
Noon pang 2011, inilunsad na ng WAV ang unang centrally controlled in-store radio player sa Singapore. Ang unang gumamit ng kanilang produkto ay ang Manhattan Fish Market, isang restaurant chain na nag-aalok ng pagkaing Americano na mayroong 67 mga sangay sa Asia at Middle East.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |