|
||||||||
|
||
Marapat lisanin ang nakalipas, sabi ng Malacanang
NARARAPAT lamang na talikdan na ang nakalipas. Ito ang dahilan ng Malacanang sa desisyon ng Duterte Administration na magkaroon ng simple at payapang pagdiriwang ng ika31 anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong darating na Sabado, ika-25 ng Pebrero.
Ayon kay Secretary Abella, panahon upang talikdan ang basta na lamang pagdiriwang at paggunita sa nakalipas at magkaisa sa pagbuo ng bansa na mayroong positibong pag-unawa.
Hindi na pagdiriwang sa naganap sa nakalipas, dagdag pa ni Secretary Abella. Tumanggi siya sa paniniwala ng iba na sinadya ng pamahalaang gawing simple ang pagdiriwang sapagkat mayroong asosasyon sa Partido Liberal.
Ikinasama naman ng loob ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, isa sa mga namuno sa EDSA People Power Revolution noong 1986 ang pangyayaring ito.
Ani Pangulong Ramos sa isang press conference kahapon, nabanggit niyang wala pa mang emergency power ay inilipat na ang selebrasyon sa loob ng Campo Aguinaldo. Ikinababahala umano ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang magiging epekto sa traffiko.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |