Walk for Life, idaraos bukas
UMAASA ang mga nasa likod ng "Walk for Life" project na maraming lalahok sa pagtitipon mula ika-apat at kalahati ng umaga sa Luneta bukas. Pinangunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang pagkilos upang iparating sa kina-uukulan ang kasagraduhan ng buhay.
Kabilang sa mga isyu na dala ng "Walk for Life" ay ang pagkontra sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan na pinagtatalunan sa Kongreso, pagtuligsa sa abortion at pagkondena sa mga extrajudicial killing na sumidhi mula ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.
Suportado ng mga obispo at pari ang pagtitipon. Maglalabas ng kanyang mensahe si Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagtitipong inaasahang dadaluhan ng libu-libong mamamayan mula sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan.
1 2 3 4 5