Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

AIIB, ano nga ba ito?

(GMT+08:00) 2017-03-04 17:19:34       CRI

Noong nakaraang linggo ay bumisita sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing ang Saceda Youth Lead, isang leadership institution ng Pilipinas at siyang humuhubog sa mga future leaders n gating bansa.

Pero, hindi lang po tanggapan ng Serbisyo Filipino ang kanilang binisita. Bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa Beijing, tinungo rin ng mga kabataan ang tanggapan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at nakipagpulong sa isa sa 4 na Pilipinong nagtatrabaho roon. Pero, bago natin tunghayan ang kuwentong iyan, ano nga ba ang AIIB?

Ang "AIIB" o Asian Infrastructure Investment Bank, ay isang bagong multilateral development na bangkong unang isinulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito ay hindi pag-aari ng Tsina at pag-aari ng 57 "Founding Members," kabilang na ang Pilipinas. Tama po ang inyong narinig, isa sa mga founding member ng AIIB ay Pilipinas.

Ang trabaho ng AIIB ay suportahan ang proseso ng interkoneksyon at integrasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ito ay itinayo noong October 24, 2014. Ang AIIB ay may kapital na $100USD bilyon, na mula sa mga founding member nito.

Sinu-sino ang mga founding member nito?

Kabilang sa mga founding members ay China, India, Thailand, Malaysia, Singapore, PIlipinas, Pakistan, Bangladesh, Brunei, Cambodia, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Myanmar, Mongolia, Nepal, Oman, Qatar, Sri Lanka, Uzbekistan, Vietnam, UK, France, Germany, Italy, New Zealand, at iba pa.

Ano naman ang pakinabang sa bangkong ito?

Popondohan ng AIIB ang mga proyektong may kaugnayan sa infrastructure development at mag-i-invest din sa ibat-ibang proyekto para suportahan ang economic development ng Asya. Marami sa mga bansa sa Asya ang nangangailangan ng malaking investment para mapasulong ang mga basic infrastructure na tulad ng elektrisidad, access sa tubig na maiinom, pasilidad sa sanitasyon, at transportasyon. Ang AIIB, na may $100USD billion na registered capital, ay inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng rehiyon.

Tulad ng nasabi natin kanina, may 4 na Pinoy na nagtatrabaho sa AIIB, at isa sa kanila ay si Lazaro (Larry) L. dela Cruz Jr., Senior Budget Management Specialist ng AIIB. Alam po ninyo, si Larry ay isang napakamakabayang tao. Bagamat matagal siyang nanatili sa Amerika, ang kanyang puso ay nanatiling Pinoy. Sa kanyang talumpati sa harap ng delegasyon ng Saceda Youth Lead, ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan, pagiging totoo sa sarili at importansya ng pag-aaral para sa kinabukasan.

Lazaro "Larry" dela Cruz Jr.

Delegasyon ng Saceda Youth Lead habang bumibisita sa AIIB - Photo Xue Mingyang

 

Laurel Ostfield, Head of Communications and Development ng AIIB

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Leadership Institution ng Pilipinas, bumisita sa Serbisyo Filipino 2017-02-26 17:22:15
v Astig na Kaalaman Tungkol sa Tsina 2017-02-17 16:15:43
v Tradisyonal na love songs ng Tsina 2017-02-15 19:21:12
v Chun Jie Kuaile 2017-02-08 15:51:44
v Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina 2017-01-06 11:08:50
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>