Aguirre, maghihintay na lamang ng ulat ng National Bureau of Investigaton
MAGHIHINTAY na lamang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng kalalabasan ng pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation hinggil sa umano'y pagtatangkang manuhol ng mga taong nakapiit sa Campo Aguinaldo. Layunin ng panunuhol ang pagbubukod ng salapi para sa mga bilanggo na aatras sa kanilang mga sinumpaang salaysay.
Mula ang mga pahayag ni Secretary Aguirre kay Lalaine Madrigal Martinez, maybahay ng bilanggong si Noel Martinez na nagbunyag umano ng mga pangalan ni dating Senador Jamby Magrigal at dating Laguna Congressman Marlyn Alonte-Naguiat.
Sa isang panayam ng GMA 7, sinabi ni Martinez na hindi siya sigurado na nasabi niya kay Secretary Aguirre. Himingi ng tawad si Lalaine Martinez kay dating Senador Madrigal matapos magpahayag ng kung anu-anong lumabas na balita.
1 2 3 4 5 6