Lascanas, tumanggap ng P 100,000 bawat buwan mula kay Pangulong Duterte
IBINUNYAG ni retiradong SPO3 Arthur Lascanas, ang umaming kasapi ng Davao Death Squad, na regular siyang tumanggap ng P100,000 bawat buwan bilang allowance.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni G. Lascanas na pinadalhan siya ni Mayor (Duterte) ng P 200,000 sa pamamagitan ni SPO4 Sonny Buenaventura. Matapos umanong ma-release siya sa pagamutan matapos ang kidney transplant, pinadalhan siya ni Bong Go ng P 100,000.
Si Lascanas na isang retiradong pulis, ay nagsabing nagkaroon siya ng kidney transplant noong a-dos ng Oktubre 2015, ilang buwan bago naging pangulo si Mayor Duterte. Si Mayor Duterte umano ang tumulong sa kanya sa kanyang kagipitan.
Tumanggapp siya ng buwanang allowance sa loob ng 20 taon. Nagbigay siya ng mga pangalan ng may 50 katao, ilang mga kaibigan, kamag-anak at ilang mga taong katha lamang ang pangalan upang tanggapin ang allowance.
1 2 3 4 5 6