|
||||||||
|
||
20170320Meloreport.m4a
|
IKINATUWA ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang matagumpay na business matching sa pagitan ng mga mangangalakal ng Tsina at Pilipinas na itinaguyod ng Bank of China noong Sabado.
Bahagi umano ito ng Strategic Cooperation Agreement sa pagitan ng Department of Trade and Industry, Bank of China, Philippine Chamber of Commerce and Industry at International Chamber of Commerce Philippines. Ang kasunduang ito ang nagbigay buhay sa mekanismo ng programang magsusulong sa micro, small at medium enterprises sa bansa.
Sinabi ni Secretary Lopez na nagsimula ito sa matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing at bumilis ang trade at investment engagements. Nagsimula ito sa pagpapasigla ng Philippine-China Joint Commission on Economic and Trade Cooperation kamakailan.
Mayroong purchase agreements na nagkakahalaga ng US$ 1.7 bilyon mula sa mga produktong sakahan at pagawaing-bayan tulad ng Chico River Pump Irrigation project na nakatakdang magsimula na.
Tumaas ang bilang ng mga turistang Tsino ng may 34% noong 2016 at may mga kasunduan hinggil sa private sector investments tulad ng oil at aviation industries.
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng joint ventures sa pagitan ng mga mangangalakal na Tsino at Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |