|
||||||||
|
||
Extra-Judicial Killings (EJKs), sinisiyasat ng pamahalaan
ITINANGGI ng isang opisyal ng Commission on Human Rights at ni Justice Secretary Vitalano Aguirre II ang alegasyon ni Vice President Leni Robredo na hindi sinisiyasat ng pamahalaan ang mga nagaganap na pagpaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang sinabi ni Gng. Robredo sa isang video message sa isang pagtitipon sa United Nations na kailangang ipagtanong ng madla kung bakit wala pang pinapanagot ang pamahalaan sa mga pagpaslang na nagaganap sa pagpapatupad ng "war on drugs."
Naunang binanggit ni Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng Commission on Human Rights na sinisiyasat ng kanilang tanggapan ang may 500 drug-related extra-judicial killings subalit hindi pa lahat ang naipadadala sa Department of Justice sapagkat ginawaga pa nila ang ibayong pagsisiyasat.
Niliwanag din niya na ang Department of Justice ang may obligasyong magsagawa ng preliminary investigation sa mga usapin upang mabatid kung may sapat na dahilang iparating sa hukuman ang reklamo.
Depende pa rin ito sa magiging desisyon ng pamilya kung itutuloy ang pormal na reklamo.
Tiniyak naman ni Justice Secretary Aguirre na ginagawa nila ang lahat sa larangan ng pagsisiyasat. Mali umano ang pahayag ni Vice President Rodredo. Binanggit ni Vice President Robredo na mayroong palit-uto scheme sa kampanya laban sa droga. Mariin naman itong itinanggi ni Secretary Aguirre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |