|
||||||||
|
||
Business Climate sa Pilipinas, mabuway
SINABI ng mga lider ng iba't ibang unyon sa Pilipinas na hirap ang tayo ng mga manggagawa sapagkat walang katiyakan kung paano ipatutupad ng pamahalaan ang mga programa nito upang wakasan ang kontrakwualisasyon na ipinangako ni Pangulong Duterte noong nakalipas na halalan.
Para kay G. Dave Diwa ng Lakas Manggagawa Labor Center, gipit pa rin ang mga trabahador sapagkat walang ipinagbago ang programang neoliberal ng pamahalaan. Hira pang taongbayan sa privitilization, deregulation at liberalization na ipinatupad ng mga nakalipas na administrasyon.
Sa panig ni G. Roger Soluta, vice chairman ng Kilusang Mayo Uno na hindi naman union dues ang dahilan kaya't gusto nilang magwakas ang kontraktuwalisasyon sapagkat walang proteksyon ang mga manggagawa kung saklaw lamang sila ng kontratang tatagal ng limang buwan.
Ipinaliwanag ni Atty. Sonny Matula ng Federation of Free Workers na mahalagang suriin ang kalagayan ng mga manggagawa ngayon sapagkat marami pa ring hirap. Kahit ang pamahalaan ay hindi nakatitiyak ng tunay na bilang ng mga produktibong manggagawa.
Ayon naman kay G. Robert Maronilla ng Employers Confederation of the Philippines, iginagalang nila ang itinatadhana ng batas kaya't sumusunod ang karamihan ng employers. Ang 555 ay ipinagbabawal mula pa sa isang desisyon ng Korte Suprema lalo pa ngayon na mayroong batas na nilagdaan ang pangulo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |