|
||||||||
|
||
Arrest warrant, inilabas na laban sa 19 pulis sa pagpatay sa isang mayor ng Leyte
LUMABAS na ang arrest warrant mula sa isang hukuman laban kay Police Supt. Marvin Marcos at 18 iba pang tauhan ng pulisya na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr.
Ito ang sinabi mismo ni PNP Director General Ronald dela Rosa. Natanggap na umano nila ang arrest warrant noong nakalipas na Sabado.
Sinabi niyang ang warrant of arrest ay para sa kasong murder. Labingsiyam na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region 8 ang mga akusado. Ibabalik na ang warrant at bahala na hukuman kung saan ipakukulong ang mga akusado. Dalawang warrants of arrest ang pinalabas ni Baybay Regional Trial Court Judge Carlos O. Arguelles noong ika-16 ng Marso. May dalawang iba pang opisyal ang kasama sa ipinadarakip at kinilala sa pangalang Supt. Santi Noel Matira at Chief Inspector Leo Laraga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |