|
||||||||
|
||
20170321.m4a
|
Pangulong Duterte, mainit na sinalubong sa Thailand
PAGCOR CHAIR DOMINGO, UMAASANG MAKARARATING ANG MAG TURISTANG TSINO. Sinabi ni PAGCOR Chairperson Andrea Domingo na magandang pangyayari ang inaasahang pagdating ng mga turistäng mula sa Tsina tulad ng ipinangako ng pamahalaang Tsino sa pagdalaw ni Pantalong Duterte sa Beijing nog Oktubre, 2016. (Melo M. Acuna)
GINAWARAN ng parangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagsisimula ng opisyal na pagdalaw sa Thailand kaninang hapon. Dumating si G. Duterte at ang kanyang gabinete mga ikalima at kalahati ng hapon sa Thailand Government House. Sinalubong siya ni Prime Minister Prayut Chan-o-cha.
Matapos ang welcome ceremonies, pumasok sina G. Duterte at Prime Minister Prayut sa Thai Koo Fah Building upang lumagda sa guest book. Magkakaroon ng bilateral meeting at inaasahang pag-uusapan ang mga isyu sa larangan ng politika, ekonomiya, pagsasaka, enerhiya, edukasyon at maging defense cooperation.
Magiging saksi si G. Duterte sa paglagda sa tatlong bilateral agreements sa larangan ng science and technology, tourism at agriculture.
Dumating si Pangulong Duterte sa Bangkok kagabi bago naghatinggabi. Dumalaw siya noon sa Thailand noong Nobyembre 2016 upang makiramay sa mga mamamayan at pagbibigay galang sa yumaong King Bhumibol.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |