|
||||||||
|
||
20170313 Melo Acuna
|
INAALAM pa ng Department of Foreign Affairs sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang detalyes sa nabalitang pagkakadakip sa pito kataong kinabibilangan ng limang Filipino na pinaniniwalaang sangkot sa Islamic State.
Ito ang sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na siya ring tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs at napipintong maglakbay patungong Kuala Lumpur upang maglingkod bilang Ambassador ng Pilipinas.
Samantala, ayon naman sa diplomatic sources sa Maynila, tanging balita pa lamang ang kanilang natatanggap at wala pang kumpirmasyon o opisyal na pahayag ng Ministry of Foreign Affairs.
Pumutok ang balita ngayong hapon hinggil sa pagkakadakip sa pito kataong kinabibilangan ng limang mga Filipino na pinaniniwalaang may kilaman sa Islamic State. Alertado ang mga autoridad sa Malaysia mula ng magpasabog ang mga terorista sa Jakarta, Indonesia noong nakalipas na Enero ng 2016.
Dinakip na ng Malaysia ang higit sa 250 katao sa pagitan ng 2013 at 2016 sa pagdududang may koneksyon sa Islamic State.
Ayon sa balitang kumalat sa Maynila, sinabi ni Inspector-General of Police Khalid Abu Bakar, karamihan sa mga nadakip ay na sa Sabah sa Borneo Island ngayong buwan ng Marso.
Isang Filipino na mayroong permanent residency status sa Malaysia at detenido sa pagdududa ng mga autoridad na nangangalap na salapi at nagpapadala kay Mahmud Ahmad at Mohamad Joraimee Awang Raimee, dalawang Malaysian nationals na lumahok na sa Islamic State sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Isang Filipino ang nagbabalak sanang maglakbay patungo sa Syria upang makasama ng Islamic State samantalang isa ang napatunayang nangako ng katapatan kay Isnilon Hapilon, ang nangungunang pinaghahanap ng mga autoridad sa hanay ng Abu Sayyaf.
Noong Hunyo, ang mga militanteng nagsasabing nakikipaglaban sa ngalan ng IS na pinili nila si Hapilon na mamuno sa kanilang hanay sa timog silangang Asia.
Isang Filipino at isang Filipino ang nadakip sa pagpupuslit ng tatlong IS members mula sa Malaysia at Indonesia patungo sa katimugang bahagi ng Pilipinas at dumaan sa Malaysia.
Nadakip din ng mga autoridad ang isang babaeng Malaysian national na nagtatrabaho biulang airport immigration official sa pagdududa na tumutulong sa mga taong walang sapat na mga dokumento na kinabibilangan ng Indonesian at Malaysian Islamic State followers na makapasok at makalabas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Sabah.
Isang Malaysian national naman ang nadakip sa Kuala Lumpur international airport matapos ipatapon mula sa Turkey. Naglakbay ang suspect patungong Istanbul noong Oktubre at nagbabalak na pumasok sa Syria sa tulong ng isang Islamic State member mula sa Sulawesi, Indonesia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |