|
||||||||
|
||
Maute, walang tauhan sa Metro Manila
TALIWAS sa sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa, sinabi ni Col. Edgard Arevalo, chief ng Public Affairs ng Armed Forces of the Philippines na walang impormasyong mayroong mga tauhan ang Maute Group sa Metro Manila.
Nagtanong na umano si Col. Arevalo sa kanyang mga kasama at mga tauhan ng intelligence community at sa kanilang nalalalaman, walang nababalitang mga kasapi ng Maute Group sa Metro Manila.
Sa isang press briefing sa Campo Aguinaldo, sinabi ni Col. Arevalo nais nilang mabatid ang basehan ng impormasyon mula sa pambansang pulisya. Ginawa ang press briefing matapos sabihin ng PNP na isa sa mga suspect sa pagtatangkang pambobomba sa harap ng US Embassy ay nadakip nila.
Samantalang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na walang panganib mula sa Maute Group, kailangan ding manatiling maingat ang mga mamamayan.
Ayon naman kay Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, inaalam pa nila sa PNP ang iba pang detalyes ng impormasyon. Tiniyak din ni General Padilla na handa ang AFP na tumugon sa anumang emerhensya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |