|
||||||||
|
||
20170331 Melo Acuna
|
NILIWANAG ni Labor Secretary at Government Peace Negotiator Silvestre Bello III na walang dahilan upang sabayan ng pamahalaan ang idideklarang unilateral ceasefire ng mga rebeldeng komunista bago pa man magharap ang magkabilang panig sa susunod na buwan.
Mag-uusap ang magkabilang panig sa Netherlands sa Linggo hanggang Huwebes, sa ika-apat na pagkakataon. Ito ang kanyang sinabi sa idinaos na press briefing sa Malacanang kanina.
Higit umanong interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ang magkabilang panig ng tigil putukan nang magkasabay. Nararapat matiyak na mababawasan ang kaguluhan at pagdanak ng dugo sa kanayunan.
Binanggit ng National Democratic Front na magdedeklara sila ng unilateral ceasefire ngayong araw na ito. Naniniwala si G. Bello na 'di magdedeklara ng unilateral ceasefire ang NDF kung hindi tutugon ang pamahalaan.
Niliwanag niyang inaasahan na niya at ng kanyang mga kasama na magkakaroon ng putukan sa magkabilang-panig hanggang 'di pa nagsisimulang muli ang peacetalks.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |