|
||||||||
|
||
Sampung mga rebelde, dalawang kawal, napaslang sa sagupaan sa Quezon
UMABOT sa sampung guerilya ng New People's Army ang nasawi kasabay ng dalawang kawal sa isang sagupaang naganap sa General Nakar, Quezon Province kahapon.
Naganap ang sagupaan isang araw bago sumapit ang pangakong unilateral ceasefre ng NPA na magsisimula ngayong Biyernes. Sinabi ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, commander ng 80th Infantry battalion, nagpapatrolya ang mga kawal sa Barangay Lumutan ng masagupa ang may 30 guerilya ng NPA kahapon ng hapon. Dalawa ang nasawi sa panig ng mga kawal.
Sinabi ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng Second Infantry Division, sampu sa mga guerilya ang nasawi. Walang nabawing mga labi sapagkat madilim na sa pinangyarihan ng sagupaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |