|
||||||||
|
||
20170324 Melo Acuna
|
IPINADALA na ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) ang barkong Alcaraz sa Benham Rise upang magpatrolya.
Ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Alcaraz ang isa sa mga barkong pandigma ng Pilipinas. Isasama na sa ruta ang pagpapatrolya sa Benham Rise na kamakailan ay nabalitang dinadalaw ng mga barko ng Tsina.
Ayon kay Major Bonifacio Arceda, tagapagsalita ng NOLCOM, nagsimula na ang patrolya noong nakalipas na Biyernes, ika-17 ng Marso. May 13 milyong ektarya ng karagatan ang saklaw ng Benham Rise.
Nabanggit na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magpapatrolya na ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Benham Rise. Hindi magtatagal ay magsasagawa ng survey ang Philippine Navy at aalamin ang hangganan nito, ang lalim at ang mga batuhan sa ilalim ng dagat.
Kasama sa kanilang regular na patrolya ang Cagayan, Maconacon sa Isabela at Itbayat at Basco sa Batanes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |