Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang dahilan upang magdeklara ang pamahalaan ng unilateral ceasefire bago maganap ang pag-uusap

(GMT+08:00) 2017-03-31 17:31:27       CRI

Mga kalihim ng pananalapi at gobernador ng mga bangko sentral magpupulong sa Cebu

MAGPUPULONG ang mga kalihim ng pananalapi at mga gobernador ng mga bangko sentral ng Asociation of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na linggo sa Mactan Island sa Cebu upang mapadali ang mga pangakong magkakaroon ng financial integration at cooperation sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa pagsasara ng mga hangganan at iba pang kawalang katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya.

Pangangasiwaan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. sa Shangri-La Mactan Resort and Spa sa darating na Huwebes at Biyernes, ikaanim at ikapito ng Abril 2017 ang pag-uusap.

Gagawin ang ASEAN Finance Ministers' Investors Seminar, isang taunang pulong sa pagkakaroon ng palitan ng pananaw sa mga investor at financial institutions at pagpapalitan ng pananaw sa pagsusulong ng ASEAN bilang isang regional investment destination.

Tema ng 2017 ASEAN ang "Partnering for Change, Engaging the World." Pag-uusapan ang mga paraan upang harapin ang pandaigdigang ekonomiya, regional connectivity, at ang progreso ng ASEAN Economic Community na naglalayong magkaroon ng iisang pamilihan at pinagkukunan ng produktong kailangan ng daigdig sa pamamagitan ng malayang pagdaloy ng mga paninda at manggagawa, investments at iba pang kailangan sa sampung bansang bumubuo ng samahan.

Isang joint press conference ang gagawin ng mga finance minister ng Lao Republic, Pilipinas at Singapore sa pagtatapos ng Joint Meeting. Magpupulong din ang mga deputy minister at mga deputy governor ng mga bangko sentral mula sa Martes hanggang Miyerkoles, ika-apat at ikalima ng Abril.

Ang ASEAN + 3 Fiannce at Central Bank Deputies Meeting na lalahukan ng Tsina, Japan at Korea at hiwalay na ASEAN-US Treasury Deputies Meeting sa darating na Miyerkoles. Gagawin ang BSP-Official Monetary and Financial Institutions Forum Debate ang gagawin sa Lunes, ikatlong araw ng Abril.

Punong-abala sa dinner reception sa Miyerkoles si Bangko Sentral Governor Tetangco samantalang isang gala dinner ang pamumunuan ni G. Dominguez sa Huwebes.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>