SINABI ni Pangulong Duterte na hindi mali ang impormasyong nakarating sa kanya hinggil sa mga ginawa ng napatalsik na kalihim ng Interior and Local Government Ismael Sueno.
Sa kanyang pagharap sa mga tagapagbalita, sinabi ni G. Duterte na abogado siya kaya't hindi maaaring mali ang impormasyong nakarating sa kanya. Alam umano niya ang kanyang ginagawa.
Sa ginawang press conference matapos magpaalam sa mga kawani ng Department of Interior and Local Government, sinabi ni G. Sueno na posibleng mali ang impormasyong nakarating sa pangulo hinggil sa Rosenbauer firetruck issue kaya't nawala siya sa puesto.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni G. Sueno na isa siyang "sacrificial lamb" at biktima ng intriga kaya't nahihiya siya sa pagpapatalsik sa kanya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.
1 2 3