|
||||||||
|
||
Nararapat kasuhan sina dating Pangulong Aquino at ilan pang mga Liberal
NANINIWALA si Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na mas maraming mga dating opisyal na kinabibilangan ni dating Pangulong PNoy Aquino ang nararapat panagutin sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Naniniwala si G. Diokno sa sinabi ni Pangulong Duterte na nagkamali ang dating pamahalaan sa pagpapatupad ng DAP na ang ilang bahagi'y sinabing labag sa Saligang Batas ng Korte Supreme noong 2014.
Ayon kay G. Diokno, gumawa sila ng budget mula sa budget at labag ito sa Saligang Batas sapagkat Kongreso lamang ang nararapat makapaglaan ng budget.
Hindi makalulusot ang P72 bilyong DAP ang hindi batid ng pangulo ng bansa, dagdag pa ni G. Diokno. May mga opisyal na kabilang sa Liberal Party ang nakinabang sa biyayang dulot ng P 72 bilyong budget.
Tanging sina Senador Jinggoy Estrada, Ramon Revilla, Jr. at Juan Ponce Enrile ang kinasuhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |